BINITBIT ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District-Ermita Police Station 5, ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Tondo, Manila.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Wilson”, “Johnrey”, Wendell at “Kathleen”, pawang nasa hustong gulang.
Base sa ulat na isinumite ni Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, station commander, kay MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon, bandang alas-7:30 ng gabi, ikinasa ang buy-bust operation sa Abad Santos Street, Barangay 226 sa Tondo, sa pangunguna ni
Police Captain Bernardo Diego, hepe ng SDEU, na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 215 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,462,000.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
(RENE CRISOSTOMO)
88