40 SUGATAN SA GUMUHONG SIMBAHAN SA BULACAN

HINDI bababa sa 40 katao ang nasugatan matapos bumigay at gumuho ang kanang bahagi ng balcony ng Saint Peter Parish Church sa Brgy. Tungkong Mangga, City of San Jose Del Monte, Bulacan habang nagmimisa nitong Araw ng mga Puso.

Base sa inisyal na report mula sa Bulacan Police Provincial Office (PPO), nangyari ang insidente bandang alas-7:30 ng umaga habang malapit nang matapos ang isinasagawang Banal na Misa kasabay ng pagdiriwang ng Ash Wednesday at Valentine’s Day.

Nabatid na nagsimula ang misa dakong alas-6:30 ng umaga at nasa parte na ng huling bahagi ng Komunyon nang mangyari ang pagguho.

Ayon pa sa imbestigasyon, nagtungo at pumila ang mga deboto sa kanang bahagi ng balcony para tumanggap ng Komunyon nang biglang gumuho ang tinutuntungan ng mga tao hanggang sa mahulog sa ground floor.

Agad isinugod sa iba’t ibang pagamutan ang mga biktima ngunit walang iniulat na namatay sa insidente.

Napag-alaman na marupok na ang halos kabuuan ng balcony na gawa sa kahoy dahil sa mga anay.

(ELOISA SILVERIO)

185

Related posts

Leave a Comment