40 YRS DAGDAG KULONG SA PDL NA MAHUHULIHAN NG KONTRABANDO

WALA nang pag-asang makalabas sa kulungan ang persons deprived of liberty (PDLs) na mahuhulihan ng kontrabando dahil daragdagan ng 40 taong pagkakakulong ang kanilang parusa.

Ito ang nakasaad sa House Bill (HB) 9153 o “Contraband Detection and Control System Act,” na pinagtibay sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara sa botong 208 pabor at walang tumutol.

“This will have a chilling effect on our PDLs (persons deprived of liberty). At the same time, we’re telling them that we’re sincere and serious in giving them a new life away from danger, that is why we’re helping them get rehabilitated,” ayon sa liderato ng Kamara.

Sa ilalim ng panukala, sinomang PDL na mahuhulihan ng ilegal na droga, pampasabog, baril at mga bala, ay awtomatikong madaragdagan ng 20 taon hanggang 40 taong pagkabilanggo ang sentensya, at multang P5 million hanggang P10 million.

Habang ang mga PDL na mahuhulihan ng iba pang uri ng kontrabaho tulad ng alak, sigarilyo, vapes, pera, electronic communication devices, luxury items tulad ng appliance, gambling at gaming equipment at mga alahas, ay parurusahan ng 20 taong pagkakakulong at multang P1 million hanggang P5 million.

Ang mga parusang ito ay karagdagan sa sentensya na kasalukuyang binubuno ng mga PDL, kaya wala na silang pag-asang makalabas pa sa kulungan kapag tuluyang naging batas ang nasabing panukala.

“This will serve as a deterrent to those inmates or detention prisoners where drugs and crimes have been a part of their lives – inside or outside of prison. The measure will put a stop to their nefarious activities, where they are transacting drug deals even inside prison,” ani Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, nag-sponsor sa nasabing panukala sa plenaryo ng Kamara.

(BERNARD TAGUINOD)

166

Related posts

Leave a Comment