48 DRUG SUSPECTS NASUKOL SA 1 WEEK OPERATIONS NG MPD

UMABOT sa 48 suspek sa droga ang nasakote at nasa 560.21 gramong shabu ang nasamsam sa loob ng isang linggong operasyon ng Manila Police District (MPD).

Kabilang ito sa ibinida ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon sa publiko kaugnay ng “Daily Accomplishment Report” ng kanyang 14 Station Commanders.

Mayo 21 hanggang Mayo 27, ikinasa ang dobleng police operations sa hurisdiksyon ng MPD na nagresulta sa pagkadakip ng 48 suspek at pagkasamsam ng shabu na nasa P3,809,428.00,124 ang street value. Sa mga sinita sa illegal gambling ay nasamsam ang kabuuang P22,703.00 bet o pusta.

Umabot naman sa 72 suspek sa listahan ng Wanted Persons ang nadakip at walo ang inaresto sa pagdadala ng armas at loose firearms.

May mga sinita rin sa paglabag sa city ordinances at special laws tulad ng smoking in public places, walang damit pang-itaas at iba pa.

Ayon kay Police Major Philipp Ines ng Public Information Office (PIO), mahigpit na ipinatutupad sa Maynila ang pagpapatrulya 24/7 ng mga pulis gamit ang bisikleta at motorsiklo.
“The Manila Police District is committed to a proactive brand of policing and will be tenacious in our anti-criminality campaign to ensure public safety and public order in the city of Manila,” pahayag ni General Dizon. (RENE CRISOSTOMO)

96

Related posts

Leave a Comment