48,439 SENIORS SA ANGELES CITY TATANGGAP NG P1K CASH AID

UMABOT sa 48,439 registered senior citizens mula sa 33 barangays ang makatatanggap ng ₱1,000 cash assistance at Vitamin C mula sa city government ng Angeles City simula sa buwan ng Marso.

Ayon kay Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr., personal niyang pangungunahan ang isasagawang house-to-house distribution kasama ang Office for the Senior Citizens Affairs sa pamumuno ni Eduardo Torres, at Gender and Development Office head Mina Cabiles.

Nabatid na ito na ang ika-4 na taon na ang lahat ng registered senior citizens sa lungsod ay tatanggap ng regular ₱1,000 cash assistance at 90 pieces ng Vitamin C supplements.

“Tuloy-tuloy po ang mga programang nasimulan natin para sa ating mga senior citizens. Tayo po ulit ang bababa sa kanila sa darating na Marso,” wika ni Lazatin.

Pinangunahan naman ni Lazatin’s Chief Adviser IC Calaguas ang isinagawang pagpupulong para sa naturang distribusyon kasama sina Executive Assistant IV Reina Manuel, Office for Senior Citizens Affairs, Angeles City Economic Development and Investment Promotions Office Head Irish Bonus-Llego, at Gender and Development Office.

Nabatid na noong 2022 ay umabot sa 40,159 senior citizens ang nakatanggap ng nasabing ayuda habang 53,996 noong 2021, at 55,85 naman noong 2020. (ELOISA SILVERIO)

20

Related posts

Leave a Comment