5 ARESTADO SA DRUG DEN

CAVITE – Umabot sa P100,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam matapos na salakayin ng mga awtoridad ang isang drug den at naaresto ang limang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa Bacoor City noong Martes ng hapon.

Kinilala ang mga naaresto na sina Marlon Nicolas y Taylor; Bonifacio Azucena y Navilla, 31; Jedy Pante y Alicante, 30; Val Medenilla y Felonia, 38; at Edmond Martin Enriquez y Sepaga, 32-anyos.

Ayon sa ulat, dakong ala-1:30 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Oriental Mindoro, PDEA 4-A Cavite at Bacoor City Police, sa bahay ni Nicolas na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang 13 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P88,400.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek. (SIGFRED ADSUARA)

121

Related posts

Leave a Comment