5 HOLDAPER TIMBOG SA GPS NG NINAKAW NA CELLPHONE

LAGUNA – Timbog ang limang holdaper matapos mambiktima sa Alaminos, Laguna, nang matunton ang mga ito sa Cavite dahil sa GPS ng kinulimbat na cellphone.

Ayon kay P/Cpt. Edwin  Goyena, hepe ng Alaminos Police, dumulog sa kanilang himpilan ang 24-anyos na estudyante matapos na siya at ang kasama nitong isang 35-anyos na online virtual assistant,  ay  holdapin ng limang armadong kalalakihan sa Brgy. Sta Rosa, sa nasabing bayan noong Lunes ng madaling araw.

Sa  pamamagitan ng IPhone na kinuha ng mga suspek mula sa online virtual assistant, na-monitor na ang tumakas na mga suspek ay nasa bisinidad ng Tanauan-Talisay Road sa Batangas.

Humantong ang mga ito sa isang lugar sa Dasmariñas City sa Cavite.

Agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga tauhan ng Alaminos Police at SWAT Unit ng Dasmariñas City police at naaresto ang mga suspek sa isang bahay sa Dasmariñas City.

Kabilang sa mga naaresto ang dalawang security guard na sina Romeo Erepol Bandagosa, 36, at Joel Santoyo Morales, 39; Jerwin Samonte Himor, 39; John Mark Abing De Guzman, 29, at Albert Paz Catbagan, 38-anyos.

Nasa kustodiya ng Alaminos PNP ang mga suspek na sinampahan ng kasong robbery and carnapping sa Office of the Provincial Prosecutor sa Calamba City, Laguna. (NILOU DEL CARMEN)

112

Related posts

Leave a Comment