5 PASAHERO NASAGIP SA LUMUBOG NA BANGKA

QUEZON – Nailigtas ng lokal na mga mangingisda ang limang pasahero ng isang bagka na lumubog sa karagatan sakop ng bayan ng Polillo sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa report ng Philippine Coast Guard – Southern Tagalog District, patungo sa port sa Real, Quezon ang motorbanca upang mag-deliver ng isda nang abutan ito ng masungit na panahon sa karagatan malapit sa Sitio Macnit, Brgy. Languyin, Polillo dakong alas-3:00 ng hapon.

Sakay nito ang limang mangingisda na kinilalang sina Engelbert Negrite, Buddy Torres, Botan Espesua, Renzy Naredo at Richard Ditan na pawang taga island municipality ng Patnanungan.

Nakatawag naman ang mga ito ng tulong sa PCG at sa lokal DRRMO na agad nagpatulong sa mga mangingisda para saklolohan ang lumubog na bangka.

Matagumpay na nasagip ang lahat ng sakay at naibalik sa kanilang bayan. Nahatak na rin ang half submerge boat na kanilang sinakyan.

(NILOU DEL CARMEN)

 

97

Related posts

Leave a Comment