5 PATAY SA SUMABOG NA PAGAWAAN NG PAPUTOK SA CALAMBA, LAGUNA

LIMA ang kumpirmadong nasawi sa pagsabog ng isang bahay na ginawa umanong ilegal na pagawaan ng paputok sa   Calamba City, Laguna nitong Biyernes ng umaga.

Ayon sa Calamba City police, pasado alas-10:15 ng umaga nang mangyari ang pagsabog na sinundan ng sunog sa Sitio Majada In, Brgy. Canlubang na isang residential area.

Kinilala ang mga nasawi na sina Leticia Corral, 83-anyos; James Delluson, 22; Ryan James Gutierrez, 18; Kenneth Buebo, 24.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng ikalimang biktima.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na idineklarang fire out dakong alas-12:00 ng tanghali.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Calamba City police at mga tauhan ng SOCO. Nag-iimbestiga na rin ang LGU Calamba City kung paano nagkaroon ng pagawaan ng ilegal na paputok doon. (NILOU DEL CARMEN)

26

Related posts

Leave a Comment