5 PINOY SEAFARERS KASAMA SA NA-STRANDED SA NAGYELONG KARAGATAN SA FINLAND

LIMANG Pinoy seafarers ang kasamang na-stranded nang 12 araw sa nagyelong karagatan sa Baltic Ocean.

Ayon kay Renante Anta, taga Digos City, Davao del Sur, at cook sa cargo vessel na Symphony Sky, galing sila ng Hamburg, Germany at patungo sa Hamina Port sa Finland nang abutan ng pagyeyelo ng tubig-dagat sa kalagitnaan ng Baltic Sea.

Bunsod nito, labindalawang-araw silang na-stranded sa tila naging semento na makapal na yelo mula noong Disyembre 3.

Aniya, mayroon din namang ice breaker ang kanilang barko subalit hindi nito nakayang umusad dahil sa sobrang kapal ng yelo.

Dagdag niya, pinapayagan naman sila ng kanilang Dutch captain na bumaba sa yelo sa kondisyon na sila ay nakasuot ng fully protective gear.

Noong Disyembre 12 nang dumating ang nag-rescue sa kanila na isang ice breaker vessel na siyang umuna sa kanila at kanilang sinundan hanggang sa makaalis sa bahagi ng nagyelong karagatan.

(NILOU DEL CARMEN)

122

Related posts

Leave a Comment