5 POLICE ESCORT NI DEGAMO PAGPAPALIWANAGIN NI SPEAKER ROMUALDEZ

NAKATAKDANG pagpaliwanagin ni House Speaker Martin Romualdez ang limang pulis escort ng pinaslang na si Negros Oriental Governor Roel Degamo matapos na makatanggap ng impormasyong hindi sila nag-report sa trabaho nang mangyari ang pagpatay sa naturang opisyal.

Nabatid na pinagre-report na ni Speaker Romualdez ang mga naturang police escort sa Kamara.

“Mga security sila ng opisyal tapos hindi sila papasok gayong alam nila na may banta sa buhay ni Gob. Degamo dahil sa away pulitika sa lugar,” nagngingitngit sa galit pang pahayag ng lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“Alam na alam ng mga gunman na hindi papasok ang mga security escort ni Gob. Degamo kung kaya’t madali nilang napasok ang bahay ni Gob at nasagawa ang karumal-dumal na krimen,” aniya pa.

Dagdag pa ng kinatawan mula sa unang distrito ng Leyte, binigyan ng anim na police bodyguard si Degamo matapos itong mag-report kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos hinggil sa death threats na natatanggap niya ngunit lima sa kanila ang hindi pumasok nang araw na patayin ang gobernador.

“Dapat ang tanong sa mga pulis bodyguard na ito kung magkano ang dahilan at hindi sila pumasok sa araw ng masaker?” dagdag pa ni Romualdez.

Ayon pa kay Speaker Romualdez, ang pagpatay kay Governor Degamo ay kahalintulad ng pagpatay kay dating AKO Bicol Congressman Rodel Batocabe noong 2019.

Tumatakbong alkalde ng Daraga, Albay si Batocabe at may mga banta sa kanyang buhay mula umano sa incumbent mayor na si Carlwyn Baldo.

No show din ang mga pulis escort ni Batocabe sa araw na siya ay paslangin.

Dahil dito, babalikan ng Kongreso ang kaso ng pagpatay sa dati nilang kasamahan na si Batocabe, in aid of legislation, at para hindi na maulit pa ang ganitong mga kaso.

“And if we find out in this congressional inquiry na may tumanggap sa PNP ng areglo para magbulag-bulagan at hindi papasukin ang mga escort ni Degamo, We will recommend the filing of charges against these officials kahit sino pa sila,” ani Romualdez.

62

Related posts

Leave a Comment