5 RAPE SUSPECTS ARESTADO SA CIDG OPERATIONS

Camp Vicente Lim, Calamba City – Lima ang inarestong most wanted persons (MWPs) na may kasong rape at sexual abuse, sa isinagawang mga operasyon noong Lunes ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Kinilala ni CIDG chief, Brig. Gen. Ronald Lee ang naarestong mga suspek na sina John Lester Gado, Jonathan Nolasco, Arnel Binas, Bernard Posadas, at isang menor de edad, sa ikinasang “Oplan Pagtugis”.

Si Gado ay nabibilang sa no. 3 most wanted person sa kasong rape o sexual assault, sa lalawigan ng Batangas, at natimbog ng mga awtoridad sa Barangay Piña, Taysan, Batangas.

Habang si Nolasco naman ay naaresto rin sa kasong rape, ng mga operatiba ng CIDG Cavite sa Barangay Burol Main, Dasmariñas City.

Si Bina na kabilang sa most wanted person ng Banga Municipal Police Station, ay naaresto ng CIDG South Cotabato Field Unit. Si Bina ay

tumatayong lider ng Nunoy Group na sangkot umano sa panggagahasa sa bayan ng Banga at ilang kalapit lugar.

Tinaguriang rank no. 8 most wanted person naman si Posadas sa lalawigan ng Cavite dahil sa kasong acts of lasciviousness.

Arestado rin ang 17-anyos na suspek sa kasong statutory rape, sa Purok 6B, Barangay San Roque, San Jose, Occidental Mindoro. (CYRILL QUILO)

19

Related posts

Leave a Comment