CAVITE – Limang sasakyan ang nagkarambola sa kalsada sa Dasmariñas City noong Martes ng gabi.
Kabilang sa sangkot na mga sasakyan ang isang puting Isuzu MUX na may plakang DAO; isang pulang Mitsubishi Mirage na may plakang NGY 9864; isang pampasaherong tricycle na Rusi; isang E-Bike, at isang Mitsubishi Mirage G4 GLX 1 na may plakang NDA 796.
Ayon sa ulat, dakong alas-12:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa harapan ng Dasmariñas National High School sa Congressional Avenue, Brgy. Burol 1, Dasmariñas City, Cavite.
Nabatid sa ulat, pawang binabagtas ng nasabing mga sasakyan ang inner lane ng kalsada at patungo sa direksyon ng Area F Traffic light ngunit pagsapit sa nabanggit na lugar nang mabangga ng harapang bahagi ng isang puting Isuzu MUX na may plakang DAO 6324 na minamaneho ni Clarice Oblepias y Almonte, ang puwetang bahagi ng sasakyang pula na Mitsubishi Mirage na may plakang NGY 9864 na minamaneho ni Marjorie Trixia Cana y Basallaje.
Bunsod nito, nadale rin ng harapang bahagi ng Mitsubishi Mirage ang puwetang bahagi ng isang pampasaherong tricycle na Rusi na minamaneho ni Bhambee Hapan y Aliligay, at nabangga naman nito ang puwetang bahagi ng isang E-trike na minamaneho ni Gerald del Pilar at nabangga ang puwetang bahagi ng kasunod na Mitsubishi Mirage GLX 1 na may plakang NDA 7961 na minamaneho ni Rogelito Guimalan y Bongosia.
(SIGFRED ADSUARA)
