5 TULAK TIMBOG SA ANGONO

RIZAL – Arestado ang lima katao nang bentahan ng ilegal na droga ang isa sa mga operatiba noong Huwebes ng gabi sa bayan ng Angono sa lalawigang ito.

Kinilala ni P/Lt. Col. Ferdinand Ancheta, hepe ng pulisya, ang mga nadakip na sina Ronnie Barrera, alyas “Macmac; Jeffrey Quibra, Domingo Garate, Alymark Brillo, at Gabriel Barrera, pawang nasa hustong gulang.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi nang isagawa ng grupo ni P/Lt. Herald Medrano ang buy-bust operation laban kina alyas Macmac at Quibra sa Del Rosario Street.

Nagresulta sa ito sa pagkakadakip sa limang suspek at nakumpiskahan ng limang sachet ng umano’y shabu na tinatayang P2,000 ang halaga, buy-bust money na ginamit sa operasyon at cash na hinihinalang pinagbentahan ng ilegal na droga.

Nakapiit na ang mga suspek sa detention cell ng pulisya at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (KNOTS ALFORTE)

 

3

Related posts

Leave a Comment