$500-M INVESTMENT ILALAAN NG KOREAN INVESTORS SA BULACAN

NAKAHANDANG mamuhunan ang Korean investors ng hanggang 500 million US Dollars o P27 billion investment sa lalawigan ng Bulacan para sa planong pagtatayo ng commercial establishments o ‘smart city’ matapos bumisita ang mga ito at personal na nakipagpulong kay Governor Daniel Fernando sa Kapitolyo nitong Huwebes.

Ayon kay Fernando, ang mga bumisitang negosyanteng Koreano ay mula sa Korea-Philippines Business Association (KPBA) na mayroong 197 companies sa pangunguna ni Haesook Suh, chairwoman; Geon Park, chairman at Leo Hwang, foundation general; Sunghee Han, vice-chairwoman; Kyuwan Lee, vice-chairman; Soobum Kim, secretary general; Hanyoung Chong, CEO Dike Solution Group; Andy Jeon, CEO Bets and Gaming at Leo Hwang Jr.

Kasama ni Fernando sa isinagawang pagpupulong sina Vice Governor-elect Alex Castro, provincial administrator Anne Constantino at ang 12 Korean delegates kung saan tinalakay ang mga proyektong planong itayo sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon sa gobernador, malaking tulong para sa lalawigan ang mga itatayong negosyo ng Korean investors para sa pagpapataas ng ekonomiya ng lalawigan at hatid nitong mga trabaho para sa libu-libong Bulakenyo.

“The purpose of our visit is preparing for a smart city, we are hoping that this will be a great strength in the Philippines and to have a big development here in Bulacan,” ayon kay Geon Park, KPBA chairman at vice chairman ng Sejong Industrial Company na nakabase sa Seoul, Korea.

Tinukoy ni Fernando ang mga lugar na target lagyan ng mga komersyong establisimyento, gaya ng 10-hectare lot sa Bulacan State University (BulSU), 7 ektarya na pag-aari ng provincial government sa bayan ng Guiguinto at 52 hectares sa bayan ng Bustos na isang private property.

“We find out that Gov. Fernando is a very passionable person who loves to serve the people, he is one of the government officials we can believe and trust to be tied-up together. We are here to commit together, built along with the government leadership,” wika ni Park.

Kabilang sa mga proyektong nais i-invest ng nasabing Korean investor group sa lalawigan ng Bulacan ay ang pagpapatayo ng power plant, golf course, resorts and hotel, industrial parks, noodles factory, electronics factory, bets and gaming amusement gaya ng casino at marami pang ibang komersyo. (ELOISA SILVERIO)

Related posts

Leave a Comment