57 LUGAR SA NCR NAKA-GRANULAR LOCKDOWN

0

NASA ilalim ng granular lockdown ang 57 lugar sa National Capital Region (NCR) dulot na rin ng mga kaso ng COVID-19.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya na ang nasabing bilang ay batay sa unang araw pa lamang ng implementasyon ng alert level system sa kalakhang Maynila.

“Almost all LGUs here in Metro Manila have granular lockdowns,” ani Malaya.
Samantala, 73% na umanong okupado ang COVID-19 beds sa anim na district hospitals sa lungsod ng Maynila.

Kabilang dito ang Ospital ng Maynila, Ospital ng Sampaloc, Justice Jose Abad Santos General Hospital, Gat Andres Bonifacio Hospital, Ospital ng Tondo at Sta. Ana Hospital.

Ang COVID field hospitals naman ay 87% nang okupado kung saan 299 na mga kama ang okupado ng COVID patients mula sa kabuuang 344 beds. Habang ang quarantine facilities ay 18% na okupado.

Bakante naman ang lahat ng kama sa COVID suspect cases quarantine facilities sa lungsod.

Countries
classification list

Sa kabilang dako, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang updated list ng “considered’ “Red,” “Yellow” at “Green” countries/jurisdictions/territories.

Ang bagong classification ay magiging epektibo sa Setyembre 19, 2021 hanggang Setyembre 30, 2021.

Ang mga bansang kabilang sa Red List ay Grenada, Papua New Guinea, Serbia at Slovenia.

Nasa Green List naman ang American Samoa, Burkina Faso, Cameroon, Cayman Islands, Chad, China, Comoros, Republic of the Congo, Djibouti, Equatorial Guinea, Falkland Islands (Malvinas), Gabon, Hong Kong (Special Administrative Region of China), Hungary, Madagascar, Mali, Federated States of Micronesia, Montserrat, New Caledonia, New Zealand, Niger, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Saba (Special Municipality of the Kingdom of Netherlands), Saint Pierre and Miquelon, Sierra Leone, Sint Eustatius, Taiwan, Algeria, Bhutan, Cook Islands, Eritrea, Kiribati, Marshall Islands, Nauru, Nicaragua, Niue, North Korea, Saint Helena, Samoa, Solomon Islands, Sudan, Syria, Tajikstan, Tanzania, Tokelau, Tonga, Turkmenistan, Tuvalu, Vanuatu, at Yemen.

Ang iba pang “countries/territories/jurisdictions” na hindi nabanggit ay kasama sa Yellow List. (RENE CRISOSTOMO/CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment