58 TULAK BINITBIT SA BUY-BUST

CAVITE – Umabot sa 58 hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang binitbit ng mga tauhan ng Cavite Police sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), isinagawa ang buy-bust operation sa pagitan ng alas-5:45 ng hapon noong Huwebes hanggang alas-5:00 kahapon ng umaga sa pitong lungsod at siyam na bayan sa Cavite.

Nanguna sa listahan na may pinakamaraming hinihinalang tulak ng ilegal na droga na naaresto ang Dasmariñas City, 11; sumunod ang Lungsod ng Imus, 7; tig-anim sa Gen. Trias City at Tanza; lima naman sa Rosario; tig-apat sa Gen. Mariano Alvarez (GMA) at Bacoor City; tig-tatlo sa Indang, Cavite City at Naic, habang dalawa sa Kawit at tig-isa sa Amadeo, Carmona, Tagaytay City at Trece Martires City. (SIGFRED ADSUARA)

 

66

Related posts

Leave a Comment