CAVITE – Patay ang isang 6-anyos na batang lalaki nang masagasaan ng isang Mitsubishi Xpander sa loob ng isang subdivision sa Dasmariñas City noong Linggo ng hapon.
Hindi umabot nang buhay sa Saint Paul Hospital ang biktima dahil sa malubhang pinsala sa katawan.
Kinilala naman ang driver ng Mitsubishi Xpander na si Joven Jersey Francisco, 37-anyos.
Ayon sa ulat, minamaneho ni Francisco ang kanyang sasakyan sa loob ng Makati Drive City Homes sa Brgy. Sampaloc 4 at papalabas sa nasabing subdibisyon nang nabangga nito ang bata na naglalakad sa kalsada dakong alas-2:30 ng hapon. (SIGFRED ADSUARA)
75