6 DUMAGAT TUMBA SA DIARRHEA

QUEZON – Binawian ng buhay ang anim na Dumagat makaraang dapuan ng sakit na diarrhea sa bayan ng General Nakar sa lalawigang ito.

Sinabi ni Provincial Health Officer Kristine Villasenor, naitala ang unang pagkamatay noong Setyembre 26 sa Barangay Lumutan kung saan dead on arrival ang biktima sa Rural Health Unit sa  Tanay , Rizal.

Kasunod noon ang lima pang biktimang namatay habang mahigit 70 kaso pa ang naitala noong Setyembre 29.

Bukod sa pagtatae, nakaranas din ang mga biktima ng matinding  ubo’t sipon.

Sa ngayon, wala pa umanong diarrhea outbreak sa lugar, ayon pa kay Villasenor.

Nagpadala na ng team ang Provincial Health Office ng General Nakar Rural Health Unit at Southern Luzon Command ng maiinom na tubig at mga herbal at nagsagawa  ng medical mission upang turuan ng tamang hygiene ang mga Dumagat. (CYRILL QUILO)

74

Related posts

Leave a Comment