6 KATAO SUGATAN SA BANGGAAN

CAVIE – Pawang isinugod sa ospital ang anim na katao, kabilang ang dalawang menor de edad at dalawang senior citizen, makaraang magsalpukan ang dalawang sasakyan sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon.

Isinugod sa St. Dominic Hospital si Christopher Theodore Zabala, 58, isang government employee, at driver ng isang Toyota Avanza na may plakang NCQ 9043, at mga sakay nitong sina Imelda Pedernal Dela Cruz, 62;  isang 7-anyos na batang babae at 10-anyos na batang lalaki, pawang mga residente ng Estrella Homes 4, Phase 1, Brgy. Toclong, Kawit, Cavite, habang sa Binakayan Hospital dinala sina Maria Lourdes Pontillas Aguilar, 45, driver ng isang Mitsubishi Mirage na may plakang NER 8919, at pasahero nitong si Juliana Pontillas Aguilar, 71, ng Lower Bicutan, Taguig City.

Ayon sa ulat ni Pat. Troadio Balitaosan ng Kawit Police Station, dakong alas-5:10 kamakalawa ng hapon nang mangyari ang insidente.

Binabagtas ni Zabala ang kahabaan ng Covelandia Road, Barangay Congbalay, Kawit, Cavite patungo sa direksyon ng Boracay junction habang si Aguilar ay binabagtas ang opposite direction patungo sa Bacoor City nang nagsalpukan (head-on collision) ang dalawang sasakyan.

Dahil dito, nasira ang harapang bahagi ng dalawang sasakyan habang isinugod sa ospital ang dalawang driver at mga pasahero ng mga ito. (SIGFRED ADSUARA)

142

Related posts

Leave a Comment