6 MIYEMBRO NG PAMILYA PATAY SA SUNOG SA NAVOTAS

ANIM na kasapi ng isang pamilya ang namatay sa sunog sa Navotas City nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga namatay na sina Donsito Boiser, 41, ama; Reynosa Moscoso, 41, ina; mga anak na sina Raymond Boiser, 10; Arriana Boiser, 3, at Reinna Boiser, 2, at pamangkin ng mag-asawa na si Natalia Boiser, 14-anyos.

Ayon sa BFP, nangyari ang sunog na umabot sa first alarm, sa Dalagang Bukid St., Area 5, Barangay Dagat-Dagatan, Navotas City.

Nagsimulang masunog ang bahay ng mga biktima dakong 5:21 ng umaga at idineklarang fire-out dakong 5:44 ng umaga. Apat na truck ng bumbero ang nagresponde sa lugar para apulain ang apoy.

Inaalam pa kung magkano ang naging pinsala ng sunog at patuloy pa ring tinutukoy ng BFP ang posibleng ugat ng insidente. (ALAIN AJERO)

61

Related posts

Leave a Comment