6 PATAY SA ANTIPOLO SHOOTOUT

0

ANTIPOLO City, Rizal – Anim kataong pinaniniwalaang miyembro ng isang notorious robbery at carnapping group ang patay nang makipagbarilan umano sa mga rumespondeng pulis makaraang holdapin ang isang gasoline station sa Sitio Boso-boso na sakop ng Barangay San Jose kahapon ng madaling araw.

Sa paunang ulat ng pulisya, lumalabas na dakong 1:30 ng madaling araw nang matiyempuhan ng mga miyembro Antipolo PNP sa kahabaan ng Marcos Highway sa nasabi ring barangay ang dalawang lulan ng motor kasama ang kalalakihan sakay naman ng isang kotseng may plakang naka-alarma.

Nang lapitan umano ng mga operatiba, agad nagpaputok ang mga suspek, sabay harurot ng sasakyan sa direksyon patungo sa karatig bayan ng Baras.

Dito na hinabol ng mga pulis ang mga suspek na patuloy ang pagpapaputok sa mga tumitikad na operatiba. Ilang sandali pa, sumemplang ang motor habang sumampa naman sa center island ang

kotseng may lulang apat pang armadong kalalakihan. Dito na umano nakipagpalitan ng putok ang mga pulis.

Nang humupa ang putukan, patay lahat ang anim na suspek. Isang pulis naman ang diumano’y nahagip ng bala bagamat hindi nasugatan dahil sa kanyang suot na bullet-proof vest.
Ang mga napatay, ayon sa pulisya ay responsable sa serye ng holdapan at karnap sa Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila at Rizal. (KNOTS ALFORTE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment