6 SUNDALO PATAY, 8 SUGATAN SA AKSIDENTE SA MASBATE

MASBATE – Dead on the spot ang anim na sundalo ng 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army nang maaksidente ang sinasakyang military truck sa Brgy. Buenasuerte, sa bayan ng Uson, sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi, Oktubre 16.

Walong kasamahan din ng mga namatay, ang nasugatan sa insidente.

Ayon sa inisyal na ulat ng Bicol PNP, galing sa Barangay Baclay, Milagros, Masbate ang military truck papunta sa kanilang detachment sa Brgy. Paguihaman, Uson, Masbate para mag-deliver ng supplies, nang biglang sumabog ang kaliwang gulong ng kanilang sasakyan na naging dahilan para gumulong at mabangga ang nakaparadang cement mixer truck sa tabi ng kalsada.

Wala pang ipinalalabas na opisyal na pahayag ang army hinggil sa insidente. (NILOU DEL CARMEN)

10

Related posts

Leave a Comment