60 NEW BI OFFICERS, ITATALAGA SA NAIA

MAGTATALAGA ang Bureau of Immigration (BI) ng mahigit sa 60 newly-hired immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para makatulong sa bilang ng personnel na nagsasagawa ng pangunahing inspection ng international travelers na parating at palabas sa pangunahing port ng bansa.

Ayon sa pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente, ang kabuuang 63 immigration officers ay matatapos na sa susunod na linggo sa isang buwang pagsasanay sa immigration laws, rules and procedures sa Philippine Immigration Academy sa Clark, Pampanga.

Sinabi pa ni Morente, ang 63 personnel ay kabilang sa 195 recently-hired BI employees.

Idinagdag pa niya na ang susunod na batch ng newly-recruited BI officers ay magsisimula ang kanilang training sa nabanggit na academy pagkatapos ng first batch ng trainees na maitatalaga ngayong Hulyo.

“We are confident that the deployment of these new immigration inspectors will help address the perennial problem of lack of manpower of BI personnel,” ani Morente.

Ayon naman Lawyer Carlos Capulong, BI acting port operations chief, ang hiring at deployment ng bagong BI officers ay bilang tugon sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na araw-araw na parating at palabas ng bansa.

Sinabi pa ni Capulong, mula sa average daily na parating na 4,000 to 5,000 passengers, sa muling pagbubukas ng borders ng bansa sa foreign tourists, ang volume ay tumaas ng 17,000 hanggang 20,000 arrivals per day.

“We foresee a further uptick in our passenger arrivals and departures in the coming weeks as the travel and tourism industry continues to rebound and recover from the negative impact of the pandemic,” ani Capulong. (JOEL O. AMONGO)

Related posts

Leave a Comment