62-ANYOS ARESTADO SA RAPE SA 13-ANYOS

CAVITE – Arestado ang isang 62-anyos na lolo matapos umanong abusuhin ang isang Grade 7 na estudyanteng babae sa bahay ng huli sa Imus City noong Martes ng umaga.

Nakakulong na sa Custodial Center ng Gen. Trias City Police ang suspek na si Condet Almanon y Oqundo, binata, security guard at residente ng Pasong Buaya, Imus City, Cavite.

Ayon sa salaysay ng 13-anyos na biktima kay P/SMS Aileen Abunda ng Imus City Police, nagising siya sa pagkakatulog dakong alas-8:00 ng umaga nang pumasok ang suspek sa kanilang bahay at tinanong kung sino ang kasama niya sa bahay.

Nang sinagot niya ng “Ako lang po” agad siyang nilapitan ng suspek at pinaghahalikan.

Tinangkang sumigaw ang biktima subalit tinakpan ang kanyang bibig ng suspek hanggang sa tuluyan siyang gahasain.

Pagkaraan ay para umanong walang nangyaring lumabas ng bahay ang suspek.

Agad namang nagsumbong ang biktima sa kanyang mga magulang na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek. (SIGFRED ADSUARA)

125

Related posts

Leave a Comment