64-ANYOS NA LOLA PATAY SA BACKHOE

patay

CAVITE – Binawian ng buhay ang isang 64-anyos na lola nang nasagasaan ng isang backhoe habang naglalakad sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Laura Dequena Evangelista, ng Brgy. Tibig, Silang, Cavite, na agad namatay sa lugar ng insidente.

Habang hawak na ng pulisya ang operator ng backhoe na si Jackson Movilla Lacandola, 42, ng Brgy. Tibig, Silang, Cavite

Ayon sa ulat ni Corporal Menervin Castillo ng Silang Police Station, naglalakad ang biktima dakong alas-7:00 ng gabi ngunit pagsapit sa tapat ng isang Sari-sari store sa Brgy. Tibig Road, Silang, Cavite nang mabangga ito ng isang y dilaw na backhoe na minamaneho ni Lacandola

Hindi na nadala pa sa ospital ang biktima dahil nalagutan ng hininga sa lugar ng insidente. (SIGFRED ADSUARA)

38

Related posts

Leave a Comment