68-ANYOS PATAY SA SUNTOK NG 64-ANYOS

patay

CAVITE – Nawalan ng malay at nalagutan ng hininga ang isang 68-anyos na lolo makaraang suntukin ng isang 64-anyos na senior citizen sa Cavite City noong Miyerkoles ng umaga.

Idineklarang dead on arrival sa Bautista Hospital ang biktimang si Rogelio Maluto y Guinto, binata, driver, ng Brgy. 17, Cavite City dahil sa suntok mula kay Romeo Bautista y Olores, 64, binata, isa ring driver, ng Brgy. 44, Cavite City.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Elfe Galit ng Cavite City Police, dakong alas-11:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa parking ng mga sasakyan sa Mabini St., Brgy 19, Cavite City kung saan nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa sa hindi nabatid na dahilan.

Hanggang sa binigyan ng isang malakas na suntok ni Bautista sa ulo ang biktima kaya nawalan ito ng malay at idineklarang dead on arrival nang isugod sa ospital.

Tumakas naman ang suspek ngunit nadakip sa isinagawang follow-up operation. (SIGFRED ADSUARA)

19

Related posts

Leave a Comment