6K INDIBIDWAL NAGDIWANG NG PASKO SA LUNETA

UMABOT sa 6,000 indibidwal ang nagtungo sa Luneta sa Ermita, Manila at doon ipinagdiwang ang araw ng pagsilang ng Niño Jesus, simula bisperas hanggang sumapit ang araw ng Pasko.

Mapayapa nilang nilisan ang lugar makaraan ang pagdiriwang ng Pasko, na sinasabing naging masaya ang naging salo-salo ng bawat pamilya.

Ayon sa ulat ni Police Major Philipp Ines, ng Public Information Office, bisperas pa lamang ng pasko hanggang noong Lunes ng gabi, dinagsa ang Rizal Park, na isa sa pasyalan ng bawat pamilya.

Ang mga baong pagkain at sapin sa damuhan ay naging sapat na para maging masaya ang taunang pagdiriwang ng kapanganakan ng mahal na Hesus.

Ayon sa ulat na isinumite ni Police Lieutenant Colonel Gilbert C. Cruz, commander ng Manila Police District- Ermita Police Station 5, kay MPD Director OIC, Police Colonel Arnold Thomas Ibay, naging payapa ang pagdiriwang ng Pasko sa lugar dahil sa mahigpit na seguridad na ipinatupad ni Police Captain Albert Cesar Badiola sa bawat mamamayan na nagtungo sa Luneta.

Gayunman, gabundok na mga basura ang naipon na agad hinakot ng mga tauhan ng Department of Public Service (DPS).

(RENE CRISOSTOMO)

 

107

Related posts

Leave a Comment