7 BAYAN SA QUEZON NAGTALA NG ASF CASES

PITONG bayan sa lalawigan ng Quezon ang nakapagtala ng kumpirmadong mga kaso ng African Swine Fever o ASF.

Ayon sa Office of the Provincial Veterinarian – Quezon, isinailalim na sa “red zone or infected zone” ang mga bayan ng San Andres, Macalelon Lopez, Mauban, Tiaong at San Antonio.

Base sa ASF zoning classification ng Quezon, ang mga nasa red zone o infected zone ay ang mga munisipalidad na may kumpirmadong kaso na ng ASF.

Nagpaalala rin ang provincial vet na panatilihin ang pagpapatupad ng biosecurity sa mga babuyan.

Naglabas na rin ang ang tanggapan ng iba’t ibang mga impormasyon na may kinalaman sa ASF, at kung paano ito maiiwasang kumalat, at mga patakaran sa pagbibiyahe ng mga baboy, at mga dapat gawin kapag may mga infected na sa mga alagang baboy ng hog raisers.

Binabalak na rin ng pamahalaang panlalawigan na magdeklara ng state of calamity kung lalala pa ang sitwasyon ng ASF sa probinsya.

(NILOU DEL CARMEN)

68

Related posts

Leave a Comment