7 BIKTIMA NG ILLEGAL RECRUITER NA-INTERCEPT SA NAIA

HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pitong Pilipina habang papasakay sa kanilang Scoot Airways flight papuntang Iraq.

Ayon sa report, ang pitong Pilipina ay paalis noong Enero 16 sa NAIA Terminal 1 via Singapore, nang ma-intercept ng mga tauhan ng Immigration, dahil sa kaduda-dudang kilos ng mga ito.

At nadiskubre sa isinagawang imbestigasyon na magtatrabaho ang pitong Pinay bilang janitress sa Erbil, Iraq, at makatatanggap ng US$1,000 dollars monthly salary.

Matatandaang kamakailan, ipinag-utos ng pamahalaan ang tinatawag na ‘long standing ban on the deployment ng Overseas Filipino Workers’ sa Iraq, bunsod nang patuloy na kaguluhan sa bansang ito.

Kung  hindi pinayagan ang mga ito na makaalis o makasakay sa kanilang flight dahil sa naturang kautusan ng pamahalaan.

Ayon sa pahayag ng mga kawani ng BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) na nagsagawa ng imbestigasyon, ang kanilang flight ay inayos daw umano ng isang travel agency na naka-base sa Manila.

Isiniwalat din ng isa sa kasamahan nila na “They were supposed to board a connecting flight to Dubai” o kaya sa Qatar bago makarating sa Iraq, ang kanilang final destination, dagdag pa ng taga TCEU.

Ang pitong biktima ay inilipat sa kamay ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) upang sumailalim sa imbestigasyon, kasabay ang paghahain ng kaso laban sa recruiter. (FROILAN MORALLOS)

148

Related posts

Leave a Comment