7 MALAYSIAN, 3 PINOY NASAGIP NG PHIL. NAVY

NAGING masaya ang kapaskuhan para sa pitong Malaysian nationals at tatlong Pilipino nang masagip sila ng mga tauhan ng Littoral Mission Ship Bongao ng Philippine Navy sa magkahiwalay na lugar sa karagatan ng Tawi-Tawi noong Sabado.

Ayon kay Brig. Gen. Romeo Racadio, commander ng Joint Task Force Tawi-Tawi, walo sa sampung nailigtas na mga indibidwal ay mula sa MV Belait Surita na naglalayag mula sa Sandakan, Malaysia patungo ng Talabtab, Malaysia kung saan nakaranas ng pipe explosion ang sinasakyan nilang barko.

Habang ang dalawa pang nailigtas na mga Pilipino ay sakay ng bangka na nagkaaberya dahil sa sama ng panahon, habang patungo ng Bongao, Tawi-Tawi, mula sa Tahaw Island, Tawi-Tawi.

Sinabi ni Gen. Racadio, unang naligtas ang apat na indibidwal na sakay ng isang liferaft na natagpuan sa karagatan at mula sa isang Liberia-flagged bulk carrier na Falcon Triumph nitong Bisperas ng Pasko, Disyembre 24, 2022.

Kasunod namang nailigtas ang anim pang indibidwal mula sa Panama-flagged tanker vessel na High Adventure, na nakitang palutang-lutang sa karagatan, malapit sa unang lokasyon.

Base sa report mula sa Naval Forces Western Mindanao, natanggap ng LMS Bongao ang impormasyon sa pamamagitan ng Marine Band Radio mula sa mga tripulante ng Liberia-flagged bulk carrier Falcon Triumph na nagsabing habang naglalayag sila sa dagat sakop ng Tawi-Tawi waters ay namataan nila ang apat na taong sakay ng isang life boat.

Sa isa pang ulat, isang Panama-flagged tanker vessel na High Adventure ang nagsabing habang papalapit sila sa LMS Bongao, ay may nakita silang life boat na nasa gilid ng kanilang tanker.

Ayon kay Brig. Gen. Romeo Racadio, commander ng  Joint Task Force Tawi-Tawi, walo sa sampung na-rescue ay mula sa MV Belait Surita na nagkaroong pipe explosion. Habang isang crew nila ang sinasabing nawawala pa.

Ang dalawang Pinoy namang nailigtas din ay sakay ng unmarked motor banca mula Tahaw Island, Tawi-Tawi, at papunta sana ng Bongao, Tawi-Tawi nang makasagupa ang malalaking alon at malalakas na hangin bunga ng sama ng panahon.

“Navy troops immediately responded and rescued the distressed individuals. Of the ten rescued, seven are Malaysian nationals and three are Filipinos,” ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio D. Adaci Jr. (JESSE KABEL RUIZ)

28

Related posts

Leave a Comment