7 MWPs, 21 SUGAROL ARESTADO SA QC

INIHAYAG ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Nicolas D. Torre III ang pagkakaaresto sa pitong wanted persons kasama ang no.1 regional level most wanted person, at 21 sugarol sa pinakahuling anti-criminality operations sa lungsod.

Nagsagawa ang QCPD ng kanilang walang humpay na operasyon laban sa wanted persons na nagresulta ng pagkakadakip ng mga tauhan ng District Mobile Force Battalion (DMFB), sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Geovanny Emerick Sibalo, kay Rexner Rubio, 34-anyos, nakalista bilang no.1 regional level most wanted person ng Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU), MIMAROPA, at residente ng Brgy. Silangan, Quezon City.

Siya ay naaresto ng Intelligence/Tracker Team ng DMFB kasama ng mga operatiba ng RACU MIMAROPA at mga tauhan ng Gloria Municipal Station dakong alas-12:44 ng tanghali noong Enero 18, 2023, sa Albany St., Brgy. Silangan, Quezon City dahil sa limang bilang ng kasong paglabag sa RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Josephine C. Caranzo, ng Branch 39, Regional Trial Court (RTC) Fourth Judicial Region, Calapan City, Mindoro Oriental; at sa warrant of arrest sa kasong acts of lasciviousness, na inisyu ni Presiding Ma. Celestina C. Mangrobang, ng Branch 38, National Capital Judicial Region, Manila.

Nahuli naman ng Masambong Police Station (PS 2) sina Gina Cabrera Buensalido, 50, sa kasong Estafa; Wherlo Landicho, 32, sa kasong paglabag sa RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act; Francis Rey Sienes, 30, sa kasong theft; Daryl Tongson Guevarra, 28, sa kasong child abuse; David Canete Sauro, 41, sa kasong paglabag sa RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000; at Aida Moran, 87, sa kasong thef.

Samantala, nahuli rin ng mga tauhan ng iba’t ibang police stations ng QCPD ang 21 sugarol sa Quezon City.

Ang mga arestado sa sugal ay kinasuhan ng paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Act sa Quezon City Prosecutor’s Office. (JOEL O. AMONGO)

21

Related posts

Leave a Comment