7 PATAY, 10 MISSING SA LANDSLIDE DULOT NG SHEARLINE

HABANG sinusulat ang balitang ito ay kinukumpirma pa ng Office of Civil Defense, ang operating arms ng National Disaster Risk Reduction Management Council ang naganap na landslide sa Monkayo Davao de Oro na sinasabing nagdulot ng pagkasawi ng pito katao.

Sa inisyal na ulat, may pitong patay habang sampu ang nawawala kasunod ng landslide bandang alas-12:00 ng tanghali nitong Huwebes.

Bunsod umano ng tuloy-tuloy na pag-ulan dala ng nararanasang shearline ay gumuho ang lupa sa isang mining area sa Purok 20, Pag-asa, Barangay Mt. Diwata, sa Monkayo.

Bukod sa sampung nawawala ay may dalawang nasaktan, ayon kay Jergrace Cabag, information officer ng LGU Monkayo.

Pansamantala umanong inihinto ang search and rescue operations dahil pinangangambahang gumuho ulit ang lupa.

Nakararanas ng pag-ulan ang Davao region simula Lunes dahil sa shear line weather system na nagdudulot din ng malawakang pagbaha sa iba’t ibang panig ng lalawigan.

(JESSE KABEL RUIZ)

56

Related posts

Leave a Comment