7 TULAK NABITAG SA P.4-M DROGA

ARESTADO ang pito katao matapos makumpiskahan ng mahigit P.4 milyong halaga ng ilegal na droga sa mga lungsod ng Malabon, Navotas at Valenzuela.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw noong Setyembre 1 nang dambahin sa Pampano St., Barangay Longos, Malabon City ang mga suspek na sina Khurt Esteven A. Ramos, 22, at Raquel L. Almasan, 56-anyos.

Umabot sa 43 gramo ng hinihinalang shabu na may presyong P 292,400 ang nakumpiska sa dalawa.

Bandang alas-4:30 ng madaling araw sa nasabing petsa nang masakote sa Brgy. Mapulang Lupa, Valenzuela City sina Jonathan Awud y Dacumos; Ronie Diaz y Bandoy alyas Nuno, at Richard Rivera y Dollar na nakuhanan ng P68,000 halaga ng ilegal na droga.

Pasado alas-10:00 naman ng gabi nang mahuli sa Bagong Silang St., Barangay San Jose, Navotas sina Lea D. Rodriguez, 45, at Roniel C. Olivar, 22, na nakumpiskahan ng 10 gramo ng umano’y shabu na may presyong P68,000.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALAIN AJERO)

63

Related posts

Leave a Comment