70,000 JOB VACANCIES IBINIDA NG DOLE

TINATAYANG 70,000 job vacancies ang naghihintay sa job seekers sa isasagawang job fairs sa buong bansa sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nasa 48 job fair sites ang bubuksan sa buong bansa kung saan inisyal na 68,455 job vacancies ang alok ng 840 employers.

Ang datos ay nitong Hunyo 4 lamang at ang bilang ng mga bakante ay inaasahang tataas pa sa susunod na mga araw.

Ang job fair sites sa Luzon sa Hunyo 12 ay ang mga sumusunod: National Capital Region – SM Grand Central – Caloocan City; Rizal Gymnasium – Pasig City; SM City Marikina; SM Megamall – Mandaluyong City; Parañaque City Hall Gymnasium – Parañaque City; Vista Mall Taguig; SM Southmall – Las Piñas City; Robinsons Las Piñas; SM City North EDSA; SM City Novaliches; SM City Fairview; SM City Sta. Mesa

Cordillera Administrative Region – Porta Vaga Mall, Baguio City; SM City Baguio.

Ilocos Region – Robinsons Ilocos, San Nicolas, Ilocos Norte; Candon Civic Center, Candon, Ilocos Sur; Manna Mall, San Fernando City, La Union; Don Leopoldo Sison Convention Center, Alaminos, Pangasinan; Nepo Mall, Dagupan City, Pangasinan; SM Center Dagupan, Pangasinan; CB Mall, Urdaneta City, Pangasinan

Cagayan Valley Region – SM City Tuguegarao; SM City Cauayan; Robinsons Santiago

Central Luzon – SM City Balanga, Bataan; Bulacan Capitol Gymnasium, Malolos City, Bulacan; Robinsons Townsville, Cabanatuan City, Nueva Ecija; SM City Telebastagan, Pampanga; SM City Tarlac; SM City Olongapo Central, Zambales

CALABARZON – Lyceum of the Philippines – Batangas, Batangas City

MIMAROPA – Municipal Covered Plaza, San Jose, Occidental Mindoro

Bicol Region – SM City Sorsogon; SM City Legazpi

Samantala, ang mga naghahanap ng trabaho sa Visayas region ay maaaring bisitahin ang Independence Day job fair venues:

Western Visayas – SM City Bacolod; Central Visayas – SM Seaside City Cebu; Plenary Hall 3rd Floor, Convention Center, Capitol Area, Dumaguete City

Eastern Visayas – Robinsons North, Abucay, Tacloban City

Sa Mindanao, abg Kalayaan job fair sites ay sa mga rehiyong: Zamboanga Peninsula – KCC Mall de Zamboanga; Northern Mindanao – SM CDO Downtown Premier; Davao Region – SM City Davao; SOCCSKSARGEN – SM City Gen. Santos; Caraga – SM City Butuan

Bukod dito, isasagawa ang mga job fair bago ang Araw ng Kalayaan sa Western Philippines University, Aborlan, Palawan sa Hunyo 7; Western Philippines University, Puerto Princesa City, Palawan sa Hunyo 9; at SM City Rosales, Pangasinan sa Hunyo 11.

Nabatid pa sa post, ang Independence Day job fare ay gaganapin din sa NCCC Mall, Puerto Princesa City, Palawan sa Hunyo 19; at STI College, Puerto Princesa City, Palawan sa Hunyo 20.

Hinihikayat ng labor department ang mga naghahanap ng trabaho na maging handa sa kanilang mga kinakailangan sa aplikasyon, tulad ng resume o curriculum vitae, certificate of employment para sa mga dating nagtatrabaho, diploma, at transcript of records. (RENE CRISOSTOMO)

80

Related posts

Leave a Comment