765 GURO SA PANDI BINAKUNAHAN KONTRA FLU

UMABOT sa 765 public at private school teachers ang pinagkalooban ng free Influenza vaccine ng Lokal na Pamahalaan ng Pandi sa Bulacan, sa pangunguna ni Mayor Enrico Roque, na ginanap sa Mamerto C. Bernardo Memorial Central School noong Lunes, Oktubre 23, 2023.

Ang nasabing libreng bakuna, ayon kay Roque, ay pinangasiwaan ng mga staff ng Pandi Municipal Health Office at mga nurse mula sa Department of Health (DOH)-Bulacan.

Nabatid na ang mga guro ay mula sa 76 paaralan na kinabibilangan ng 28 public schools, 44 Day Care schools at 4 private schools.

Ayon kay Roque, ang 655 teachers ay mula sa mga pampublikong paaralan at 110 na guro ay mula naman sa pribadong paaralan.

“Ang kalusugan at kaligtasan natin ay mahalaga higit kailanman, Kung kaya bilang suporta at pasasalamat po sa inyong sipag at dedikasyon, handog ng Pamahalaang Bayan ng Pandi ang libreng Influenza Vaccination para po sa inyo, mga mahal naming mga guro mula sa pampubliko at pribadong paaralan,” wika ng alkalde.

(ELOISA SILVERIO)

194

Related posts

Leave a Comment