8 HUMAN TRAFFICKING VICTIMS NASAGIP

SA KABILA ng krisis sa Israel, nasagip ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang walong biktima ng human trafficking na ni-recruit upang magtrabaho sa nasabing bansa.

Ayon sa Bureau of Immigrations (BI) Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES), ang babaeng trafficker kasama ang mga biktima ay tinangkang sumakay ng Emirates Airlines flight sa Clark International Airport (CIA) Terminal 2, na nagpanggap na kasama sa pilgrimage sa nasabing bansa..

Ngunit sa bandang huli ay inamin ng mga biktima na magtatrabaho sila bilang hospital at hotel cleaners sa pagdating nila sa Israel na may buwanang sweldo na P60,000 hanggang P80,000.

Matatandaan, noong nakaraang taon, inilagay ang Israel sa ilalim ng Alert 2 kung saan tanging ang overseas Filipino workers (OFWs) na may kasalukuyang kontrata ang tanging pinapayagang bumalik sa kanilang destinasyon upang makapagtrabaho.

“All for money, this recruiter has made her victims agree to such circumstances despite the major life risk,” ayon kay Tansingco. “She should face what she did in court and must be jailed to serve as an example not to prey on the vulnerabilities of our fellow Filipinos,” dagdag pa nito.

Ang siyam na pasahero ay itu-turn over sa inter-agency council against trafficking (IACAT) kung saan ang walong biktima ay isasailalim sa assistance habang ang trafficker ay sasampahan ng kaso.

(JOCELYN DOMENDEN)

36

Related posts

Leave a Comment