8 pasahero sugatan sa nasunog na bagon BIYAHE NG MRT 3 NABALAM

lrt
0

NABALAM ang biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) nang magkaroon ng sunog sa isa sa mga bagon nito naging dahilan ng pagkakasugat ng walong pasahero noong Sabado ng gabi.

“Eight passengers (4 male and 4 female) sustained minor injuries (minor bruises on their arms and legs), which they obtained from jumping off the trains,” ayon sa pahayag ng MRT-3 nitong Linggo.

Ayon sa ulat, pasado alas-9:00 ng gabi noong Sabado, ang isang bagon ng MRT na may byaheng patungong North Ave., Quezon City, ang biglang sumiklab ang apoy.

Bunsod nito, nataranta ang mga biktima kaya tumalon sa riles malapit sa Guadalupe MRT Station.

Bandang alas-9:12 ng gabi nang i-report ang insidente malapit sa MRT-3 Guadalupe Station makalagpas ng Buendia MRT Station.

Idineklara namang fire-out ng Bureau of Fire Protection ang insidente bandang alas-9:51 noong Sabado ng gabi.

Sinabi ni MRT-3 Director Michael Capati, luma na at makailang ulit nang sumailalim sa general overhaul ang nasunog na train.

Tiniyak naman ni Asec. Capati na sinisikap nilang maging ligtas ang mga bibiyaheng bagon ngayong Lunes, habang patuloy na nag-iimbestiga hinggil sa sanhi ng nangyaring sunog ng tren ng MRT. (DAVE MEDINA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment