8 SUGATAN SA SUMABOG NA BODEGA NG PAPUTOK

MALUBHANG nasugatan ang walo katao sa pagsabog ng bodega ng paputok sa Barangay Pulong Buhangin, Santa Maria, Bulacan, Huwebes ng tanghali.

Base sa inisyal na report ng pulisya, naganap ang pagsabog bandang ala-1 ng hapon sa Sitio Manggahan, isang fireworks manufacturing site.

Ang walong hindi pa nakikilalang mga biktima na hinihinalang mga manggagawa o tauhan sa nasabing bodega ay kaagad isinugod sa Rogaciano Mercado Hospital para lapatan ng lunas.
Patuloy pang inaalam ng pulisya ang sanhi ng pagsabog at kung may nasawing biktima dahil habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa napapasok ang nasusunog na establisimyento. (ELOISA SILVERIO)

28

Related posts

Leave a Comment