8 TONELADANG RELIEF GOODS NAIPAMAHAGI NG PCG

AGAD ipinamahagi ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga nasalanta ng bagyong “Paeng” ang nakalap na mahigit walong toneladang relief goods mula sa donation drive ng pamahalaan.
Nasa 3,600 family packs buhat sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ibiniyahe nitong Martes ng BRP Melchora Aquino (MRRV-9702) mula Maynila papuntang Iloilo.
Kasabay nito ang BRP Romblon (SARV-3503) na may sakay namang 50 sako ng tig-50 kilo ng bigas.

Tatanggapin ito ng DSWD Region VI para sa agarang pamamahagi sa mga pamilyang nasalanta ng Bagyong Paeng sa rehiyon.

Sa nakalipas na tatlong araw mula nang maitatag ang PCG Task Force Kalinga noong Oktubre 30, mahigit walong toneladang relief supplies ang natanggap nito mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at organisasyon.

Ihahatid ang donasyon sa mga probinsyang nasalanta ng nagdaang kalamidad gamit ang mga barko, air asset, at land vehicle ng PCG tungo sa agarang pagbangon ng bansa sa epekto ng nagdaang kalamidad.

Sa mga nais magpahatid ng tulong sa mga apektadong pamilya, nananawagan ang PCG na makipag-ugnayan sa Task Force Kalinga at PCG Civil Relations Service sa mga sumusunod na contact details: Email: cgcrs2022@gmail.com.ph; Facebook: Coast Guard Civil Relations Service; at Mobile: 0977-496-6811 / 0977-496-6810. (RENE CRISOSTOMO)

19

Related posts

Leave a Comment