9 KALABOSO SA P.8-M SHABU

SIYAM na katao, kabilang ang tatlong babae, ang natimbog sa isinagawang anti-drug operation ng mga tauhan ng Manila Police District sa Quiapo, Manila noong Martes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Luz Mayes, 31; Evelyn Abrillo, 38; Jeffrey Bobis, 42; Bobby Swing, 44; Alexander Ronquillo, 36; Emmanuel Cordero, 31; Ace Robles, 41; Verna Obinguar, 30, at isang menor de edad na si Mark Vincent, isang estudyante.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. John Guiagui, commander ng MPD-Station 3, bandang alas-10:00 ng gabi magsagawa ng anti-drug operation ang mga operatiba sa Quezon Boulevard malapit sa Carlos Palanca Sr. St. sa Quiapo.

Ayon sa report ni P/EMS Rommel Fermin Rey, team leader ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Station 3, isang impormante ang tumawag sa kanilang tanggapan hinggil sa nangyayaring bentahan ng ilegal na droga sa lugar.

Agad nagbuo ng team ang mga awtoridad at nagresponde sa lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek at nakumpiska ang 130 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P884,000 ang street value. (RENE CRISOSTOMO)

3

Related posts

Leave a Comment