9 KATAO SUGATAN SA AKSIDENTE SA CAVITE

CAVITE – Sugatan ang siyam katao, kabilang ang isang 4-anyos na bata, sa aksidente sa kalsada sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito noong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang mga biktimang sina Jennifer Nuñez at 4-anyos niyang niyang anak; Darvin Pegenia; Mark Edward Bete y Dolor, 27, at kapatid nito na si Mark Christian Bete y Dolor, 19; Mark Cedric Ocampo y Ariban, 29; Melan Mercader Espela, isang cyclist; Nanette Natad, at isang ‘di pinangalanan na pasahero nito.

Ayon sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon, sa Sitio Italaro, Brgy. Kayquit, Indang, Cavite, ay papatawid si Jenifer Nuñez kasama ang kanyang 4-anyos na anak nang masagi ang mga ito ni Darvin Pegenia na minamaneho ang ang kanyang itim na Honda Civic na may plakang UDE 657, patungo sa direksyon ng Mendez Town proper.

Isinugod sa Ospital ng Tagaytay ang mag-ina habang ang driver ng Honda Civic na si Pegenia ay dinala sa Gentri Doctors Hospital

Nakatigil naman ang Mitsubishi Adventure na may plakang NBX 7950 na minamaneho ni Francis Cardiente Cabigayan sa gilid ng kalsada sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy. Salitran 1, Dasmariñas City, ngunit nang buksan nito ang kanyang pintuan sa driver seat ay bumangga dito ang nagbibisikletang si Espela dakong alas-4:30 ng hapon.

Dahil dito, nawalan ng balanse kaya tumilapon ang siklista sa kaliwang bahagi ng kalsada at nasagi naman ng paparating na Ford Lana pick-up

na minamaneho ni Alfante.

Minamaneho naman ni Natad ang kanyang Honda Jazz na may plakang NEC 3277, sa Emilio Aguinaldo Highway subalit pagsapit sa South Plains Subd., Brgy. Salitran 2, Dasmariñas City, nang umano’y masilaw sa ilaw ng paparating na sasakyan kaya nawalan ng kontrol sa manibela at rumampa ang minamanehong sasakyan sa center island.

Bunsod nito, nasugatan ang driver ng Honda Jazz at isang pasahero na kapwa isinugod sa Pagamutan ng Dasmariñas. (SIGFRED ADSUARA)

52

Related posts

Leave a Comment