ACORDA EXTENDED BILANG PNP CHIEF

IN-EXTEND ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang serbisyo ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. hanggang Marso 31, 2024 bunsod na rin ng matagumpay na pamumuno nito sa police force simula ng italaga noong Abril ngayong taon.

“I wish to inform you that, pursuant to the provisions of existing laws, your service as Chief (Police General), Philippine National Police, is hereby extended until 31 March 2024,” ang nakasaad sa liham na nilagdaan ni Pangulong Marcos na naka-addressed kay Acorda.

Ipinaalam din kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang bagay na ito sa pamamagitan ng transmittal letter, may petsang Disyembre 1, 2023 at nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ang “extension of service” ni Acorda.

Matatandaang, itinalaga ni Pangulong Marcos si Acorda bilang pang-29 na “top cop” ng bansa sa isinagawang change of command ceremony sa Camp Crame, Quezon City noong Abril 24, 2023.

(CHRISTIAN DALE)

386

Related posts

Leave a Comment