ACT-CIS PINARANGALAN SA NATION BUILDERS AT MOSLIV AWARD 2023

KINILALA ang Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support o ACT-CIS Party-list bilang Certified Most Sustainable and Livable Partylist sa Nation Builders and Mosliv Awards 2023 kamakailan.

Ang naturang party-list ay binigyan ng pagkilala dahil sa kanilang best practices, sa pamamagitan ng kanilang mga kinatawan na sina Representatives Erwin Tulfo, Edvic Yap, at Jocelyn Tulfo.

“Malaking karangalan po ito na mabigyan ng pagkilala ang ACT-CIS Party-list. Sa ilang taon na paninilbihan natin, napatunayan natin na tayo ang kakampi ng mga inaapi sa loob at labas ng Kongreso,” ayon kay Congressman Erwin Tulfo.

“Kahit saan na may Pilipino, nandyan ang ACT-CIS Party-list. Tayo ang takbuhan ng mga inaapi at inaabuso, tayo ang aaksyon para sa kanilang mga hinaing. Bukod sa tanggapan ng bawat kinatawan ng ating party-list, meron rin tayong ACT-CIS Action Centers sa iba’t ibang parte ng bansa,” pahayag naman ni Congressman Yap.

Dagdag naman ni Congresswoman Tulfo, “Itong Action Centers natin ay naging epektibo na pamamaraan para mas mabilis natin ipaabot ang ating serbisyo sa ating mga kababayan. Naging benchmark rin ito sa iba pa na gustong maghatid ng tulong.”

“Maaasahan po niyo na tuloy-tuloy lang ang ating pagtulong. Maging sa pagpapasa ng mga panukala para isulong ang karapatan ng bawat Pilipino hanggang sa pagbibigay ng mga agarang serbisyo, narito ang inyong #1 Partylist – ang ACT-CIS,” pahabol naman ni Congressman Tulfo.

121

Related posts

Leave a Comment