ACT-CIS TIWALA PA RIN SA PNP

KUMPIYANSA pa rin ang Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) Party-list sa kakayahan ng Philippine National Police (PNP) na mapigilan ang sunud-sunod na ambush sa mga politiko at patayan at kaagad na maresolba nila ang mga ito.

Ayon kay ACT-CIS 1st nominee Cong. Edvic Yap, “I am sure at this point si PNP Chief (Rodolfo) Azurin ay may mga oplan na para matuldukan ang problemang ito”.

Dagdag ni Cong. Yap, “mukhang political ang motibo sa pag-ambush sa mga officials, entonces the PNP should focus nga sa trabaho, o kalaban, o aktibidad ng mga biktima. I am sure isa diyan ang dahilan.”

“Anyway, kami sa Congress are here to help our police kung ano ang kailangan nila dahil ‘yan naman ang isa sa mga tema ng pamumuno ni Speaker Martin Romualdez na tulungan ang administrasyon in all aspects from pandemic recovery to peace and order,” aniya.

Naniniwala ang mambabatas na matutuldukan din ng PNP ang problemang ito.

37

Related posts

Leave a Comment