AICS, TUPAD PAYOUTS SA BULACAN PINANGUNAHAN NI VILLANUEVA

PINANGUNAHAN ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang Department of Social Welfare and Development Assistance to Individuals in Crisis Situations (DSWD AICS) at Department of Labor and Employment Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers (DOLE TUPAD) payouts para sa 1,950 residente ng Bocaue, Bulacan ngayong Biyernes, Nobyembre 24, 2023.

Kasabay nito ang paggunita sa kaarawan ni dating Mayor Joni Villanueva.

Sa kanyang mensahe, binigyang pugay ni Villanueva ang kapatid na nanilbihan bilang alkalde mula 2016 hanggang sa kanyang pagpanaw noong 2020.

Samantala, nanawagan naman si Villanueva sa DOLE at DSWD na suriin ang mga programa ng ahensya kasama ang pagtukoy ng tamang alokasyon ng resources para siguruhin ang pantay-pantay na pamamahagi ng tulong. Pinangunahan din ng majority leader ang pagbibigay ng bagong fire truck para sa bayan ng Bocaue.

(Danny Bacolod)

248

Related posts

Leave a Comment