AIRPORT POLICE IMBESTIGAHAN DIN SA ANOMALYA SA PALIPARAN

INIREKOMENDA ng Bureau of Immigration na imbestigahan din ang airport police kaugnay sa mga ilegal na aktibidad sa mga paliparan.

Sa pulong balitaan sa Harbor View ng Manila City Hall Reporter’s Association (Machra) sa kanilang 1st anniversary, inamin ni BI Commissioner Norman Tansingco, na may airport police na nasangkot sa “escort service”.

“Hindi nga lamang natuloy dahil naharang ng mga immigration officer, kasi kapag may ilegal na nangyayari sa airport, ang itinuturo ay immigration officer,” ayon kay Tansingco.

Hiniling din ni Tansingco sa Manila International Airport Administration (MIAA) na imbestigahan ang kanilang airport police.

Patuloy naman aniya ang pagberipika sa ibinunyag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na may transaksyon na P150,000 escort fee para makapaglabas-masok sa bansa ang mga nasa blacklist na indibidwal.

Samantala, umaasa si Tansingco na masimulan ang online na pagkuha ng visa at pagbili ng body cameras para sa kanilang mga tauhan na nasa second lines bago matapos ang taon.

(JESSE KABEL RUIZ)

303

Related posts

Leave a Comment