AIRPORTS, SEAPORTS BANTAYAN – ACT-CIS

NANANAWAGAN ang ACT CIS Party-list sa mga kinauukulan na bantayan ang airports at seaports ng bansa para hindi makapasok ang bago at malakas na strain ng covid virus na Omicron na galing South Africa.

Ayon kay ACT CIS Nominee Edvic Yap, “dapat ngayon pa lang maghigpit na ang Immigration, Bureau of Quarantine at iba pang ahensya na nagmomonitor ng pagpasok ng mga tao sa ating bansa”.

“Naalala ko kasi naghigpit tayo sa ating mga borders pero nakapasok na ang Delta variant noon,” ayon kay Yap.

Aniya, “ngayon pa lang lahat ng papasok sa ating bansa and no exception kung saang bansa galing whether OFW, balikbayan o foreigner, dapat may RT PCR test result na sa point of origin nila”.
“On top of that may 3 day quarantine pa rin and swab testing uli dito,” dagdag pa ng mambabatas.

Tiniyak rin nila na naghahanda na ang kanilang grupo ng mga bigas at pagkain na ipadadala sa mga lugar na magla-lockdown kung sakaling makapasok na ang Omicron strain ng Covid sa bansa.

1

Related posts

Leave a Comment