CAVITE – Arestado ang isang hinihinalang tulak at miyembro ng Albufuera drug group sa isinagawang buy-bust operation sa Cavite City nitong Biyernes ng madaling araw.
Kinilala ang suspek na si Pio Nieva y Villanueva, miyembro ng Albufuera drug group at nasa listahan ng high value individuals (HVIs).
Ayon sa ulat, dakong alas-12:20 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Cavite City Police Station sa Barangay 8, Cavite City na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na nakumpiskahan ng 1.75 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P4,375, at buy-bust money.
Si Nieva ay miyembro ng Albufuera drug group na nag-o-operate sa Cavite City at kalapit lungsod at bayan.
Kasong paglabag sa Sec. 5 at 11, Art. II ng RA 9165 ang kinahaharap ng suspek. (SIGFRED ADSUARA)
34