AMBASSADOR LAGDAMEO BAGONG IMO PREXY

TALIWAS sa masaklap na kapalaran ni dating presidential spokesperson at ngayo’y senatorial aspirant Harry Roque na nangamote sa halalan para sa International Law Commission, nasungkit ng bansang Pilipinas sa unang pagkakataon ang pinakamataas na pwesto sa International Maritime Organization (IMO), isang specialized agency sa ilalim ng pangangasiwa ng United Nations.

Sa ika-32 pandaigdigang assembly ng IMO nitong nakaraang Disyembre 6, nahalal bilang pangulo si Ambassador Antonio Lagdameo.

Ito ang unang pagkakataong nahalal bilang Pangulo ng IMO na kinabibilangan ng 174 bansa, ang isang kinatawan mula sa Pilipinas.

Mandato ng IMO ang kaligtasan at seguridad ng paglalayag sa buong mundo at isinusulong na maiwasan ang marine at atmospheric pollution mula sa mga barko at iba pang sasakyang dagat.

Kumbinsido naman ang mga eksperto na malaking bentahe ang pag-upo ni Lagdameo bilang Pangulo ng IMO, sa usaping ng West Philippine Sea na pilit inaangkin ng bansang Tsina.

Kabilang din sa mga nahalal sa IMO ang Permanent Representative ng Italy bilang First Vice-President at ang Permanent Representative ng Namibia naman bilang Second Vice-President.

Sa isang pahayag, binigyang pagkilala ni IMO Secretary-General Kitack Lim ang IMO na aniya’y susi sa global recovery sa pandemic at post-pandemic world ang sustainable transport.

1

Related posts

Leave a Comment